NAGA CITY – Pagiging agresibo at emotional ngayon ng mga kabataan, isa na sa mga naoobserbahan ngayon ng Mental Health Coordinator sa Naga City.
Ito ang napag-alaman kay Magno Reyes, Mental Health Nurse Coordinator sa Naga City Health, may koneksyon sa insidente ng pagkadepress at pagkabigo ng ilang mag-aaral kaya nagagawa ang pagpapa-alam sa buhay. Aniya, may psychological distress na nangyayari at malaking factor ang paglalaro, panunuod kung anu-ano sa social media na minsan wala nang sapat na tulog at hindi na maintindihan ng mga magulang, isa pa imbis sa mga magulang lumapit sa kapwa ka-edad na minsan iba ang nagiging payo sa kanila kaya may pagrerebelde.
Kaya mahalaga na may kolaborasyon at mga aktibidad ang mga paaralan, barangay hinggil sa usapin na ito lalo na’t hindi gaano nabibigyan ng atensyon ayon pa sa opisyal.
Ayon naman kay Trecia Mae Merabil, 3rd Year College, mahirap ang ganitong sitwasyon lalo na’t hindi rin madali ang pag-aaral na marami ang pinagdadaanan, kaya lamang kailangan na lumaban sa buhay kung hindi para sa sarili kahit para na lang sa pamilya at dapat na isa rin ito sa mas iprayoridad ng mga Lokal na Pamahalaan o paigtingin ang mga programa katulad ng seminar sa mga kabataan.