PhilSys registration centers sa Camarines Norte bukas para tumanggap ng mga magpaparehistro sa National ID kahit holiday

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na magbubukas ang anim na registration centers sa lalawigan ng Camarines Norte para sa mga magpaparehistro sa National ID bukas, Pebrero 25.

Mababatid na Special Holiday ang naturang araw dahil sa pagunita ng Edsa People Power Revolution.

Ayon sa PSA ang mga magpaparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) ay maaaring magtungo sa Fixed Registration Center sa PSA Provincial Office na matatagpuan sa LJR Building, J. Lucban Street Barangay III dito sa Daet.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Bukas din ang iba pang mga registration center tulad ng SM City Daet, at ang mga LGU ng Jose Panganiban, Labo, Paracale at Sta Elena.

Kaugnay nito ay hinihikayat ng PSA ang lahat ng mga hindi pa nakakapagparehistro na magtungo lang sa mga nabanggit na registration centers para magparehistro.

Bukas ang mga nabanggit na registration center  mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon maliban sa SM City Daet na bukas mula alas 10 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Target ng PSA na mairehistro ngayong 2022 ang nasa 196, 000 indibidwal edad limang taong gulang pataas sa  base sa total population ng lalawigan.

Noong 2021 ay nakapagrehistro ang Camarines Norte ng nasa 392, 435 na indibidwal o lagpas ng 118. 09 percent sa target na 332, 322.

Para sa buwan ng Enero 2022 ay nakapagrehistro ang PSA ng nasa 10, 397 indibidwal mula sa mga nabanggit na registration center.