Pagpapatupad ng limited face-to-face classes sisimulan na sa Camarines Norte sa Marso 1, mga eskwelahan nagsasagawa ng dry- run.

CAMARINES NORTE- Sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng expanded limited face to face classes sa lalawigan ng Camarines Norte sa Marso 1.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo, isa sa basic at pinakamahalagang requirement sa implementasyon ng limited face to face classes ay ang consent ng magulang o pagpayag ng mga itong pumasok ang kanilang anak sa eswkelahan.

Batay sa datos ng DepEd hanggang noong February 15, 2022 nasa 98, 431 na mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 6 ang inaasahang magbabalik sa eswelahan.

Sa bilang na ito nasa 62, 508 na o 63. 5 % ang mayroong parent consent.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aabot naman sa 50, 779 ang bilang ng Junior High School kung saan 20, 585 dito o 40. 52 % ay mayron nang pahintulot ng magulang.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang na ito sa mga susunod na araw.

Kakaunti naman sa ngayon ang nag- signify na mga estudyante sa Senior High School para sa limited face to face classes.

Sa 16,449 nasa 4, 850 pa lang ang nagpapahayag ng interes na pumasok sa eskwelahan o 29. 41 %.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ani Guemo, lumalabas na mas nais ng mga estudyante sa Senior High School ang distance learning.

Nagsasagawa naman ngayon ng dry- run ang iba’t- ibang eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte bilang paghahanda sa limited face to face classes.

Isa lamang ang Basud Central School sa mga nagsagawa ng dry run na layong turuan ang mga bata kung papanao pumasok sa eskwelahan at sa classroom gayundin ang mga ipinatutupad na health protocols.

Hindi naman naiwasan ang ilang aberya kaya agad na nagpatawag ng pagpupulong ang School Principal sa mga guro upang i- assess ang ginawang dry- run.