Natikman ng Gilas Pilipinas ang pangalawang sunod na pagkatalo nito sa FIBA Women’s Asia Cup mula sa kamay ng Australia na nagtapos sa 120-56.
Sa laro na ginanap sa Amman, Jordan, ay nagawa ng Filipinas na makipagsabayan sa Opals sa opening quarter kung saan ay nasa 12 lamang ang kinailangang habulin ng Gilas sa score na 32-20.
Binuksan ng Australia, na number 3 sa world rankings, ang laro sa pamamagitan ng 16-2 run.

Natulungan naman ni Camille Clarin ang Gilas na makabawi nang umiskor ito ng 5 puntos sa opening period.
Isa rin siya sa apat na Filipinas na nakapagpasok ng three-pointer sa first quarter.
Gayunman, tila ay nanahimik ang Gilas sa second quarter kung saan ay umiskor si Lauren Nicholson ng Australia ng 10 points, bilang bahagi ng 15-0 run nito sa pagbubukas ng period.
Una nang natalo sa score na 143-52 ang Gilas mula sa world No.7 na China noong Lunes.