Umapela ang business sector sa gobyerno na masailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 simula sa Oktubre upang mapayagan sila na makabawi mula sa pagkalugi nito na idinulot ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na gumawa na ng apela ang mga kinatawan ng priubadong sektor noong Lunes ng umaga, kung saan ay nagkita-kita ang mga miyembro ng goverment task force against COVID-19 na kinabibilangan ng medical groups.

Iginiit ni Concepcion na ang hinihingi ng mga pribadong sektor ay mapasailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3
Inihayag rin ni Concepcion na nais ng mga negosyante na mapakinabangan ang mas mataas na consumer at election-related spending sa huling quarter ng taon.
Una nang sinabi ni Health epidemiology bureau director Alethea de Guzman na mamanatiling nasa ilalim ng Alert Level 4 ang Metro Manila.