CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng karagdagang 12 bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte sa tala ng DOH Bicol kahapon
Tig-3 bagong kaso ang naitala mula sa bayan ng Daet at Labo habang may tig-i-isang kaso ang naitala mula sa mga bayan ng Basud, Jose Panganiban, Paracale, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Vinzons
Sa kabila nito, nakapagtala rin ng 29 pasyente ang gumaling na sa sakit
Sa kasalukuyan ang lalawigan ay may 2,592 total cases mula dito ay 884 ang aktibong kaso, 1,615 ang total recoveries at 93 ang total death toll
Una ng naiulat na ang Camarines Norte ay kabilang sa mga probinsiya sa Bicol na nasa Alert Level 4 sa COVID- 19 Risk Classification Level.
Dahil umano ito sa pagkakaroon ng kaso ng mga COVID-19 variants at dagdag pa dito ang mga ospital at pasilidad na puno na, at malapit ng mapuno.
Wala namang naitalang bagong kaso ng variants of concern sa lalawigan pero mayroon na itong tatlong kaso ng Delta. Umaabot na rin sa pito ang mga kaso ng Beta variant.
Kaugnay nito pinapaalalahanan ang publiko na laging sundin ang Minimum Public Health Standards para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Hinihikayat din na magpabakuna na para sa dagdag proteksyon laban sa COVID-19.
