Nagbabala at naglabas ng magkakasunod na radio challenges ang BRP Benguet (LS507) ng Philippine Navy sa People’s Liberation Army Navy Ship 621 (PLAN 621) ng China matapos nitong sundan ang barko ng Pilipinas sa 80 yardang distansya.
Tinangka rin daw nitong tumawid sa busog ng LS507 gamit ang isang CPA na 350 yarda sa 5.8 Nautical Miles South West ng Pag-asa Islands.
Papunta ang barko ng Pilipinas sa Rizal Reef Station para sa pagsasagawa ng regular na rotation and resupply (RoRe) mission nang mangyari ang insidente.
Binaggit rin ng mga Pilipinong tauhan ang paglabag sa Collision Regulations (COLREG) sa mga radio challenges, at hiniling na umiwas ang Chinese vessel sa BRP Benguet.
Ngunit nakatanggap ito ng counter-response mula sa PLAN 621 gamit ang kanilang naratibong “ten-dash line.”