Mahigit 100 hog raisers sa dalawang bayan sa Sorsogon na naapektuhan ng ASF, pinagkalooban ng biik

Pinagkalooban ng biik ang nasa 190 hog raiser mula sa mga bayan ng Gubat at Barcelona na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Inisyatiba ito upang matulungan ang nasabing mga nag-aalaga ng baboy na maibsan ang hirap at mabigyan ng pagkakataon na muling magsimula sa kanilang pangkabuhayan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aabot sa 90 biik ang ibinigay sa mga backyard hog raisers sa bayan ng Barcelona habang 100 biik naman sa bayan ng Gubat.

Libre ang mga ito at walang anumang obligasyong pinansyal ang mga benepisyaryo. Ang distribusyon ay pinangunahan ng Department of Agriculture kung saan bukod sa mga kawani ng DA Regional Office ay dumalo din sa aktibidad sina Second District Representative Manuel Fortes, Mayor Cynthia Falcotelo Fortes, Mayor Ronel Lim, Provincial Agriculturist Maria Theresa Destura, Provincial Veterinarian Ashley de Castro, Municipal Agriculturist Rose Griño at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon