DFA, umaasang magkasundo ang Egypt at Israel sa ligtas na pagpapalabas ng mga Pilipino

Umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magkakasundo ang Egypt at Israel sa ligtas na pagpapalabas ng mga dayuhang mamamayan sa gitna ng hidwaan ng Israel at Hamas.

Nilalayon ng embahada ng Pilipinas sa Cairo na sunduin ang mga Pilipino sa crossing ng Rafah na malapit sa Egypt, ngunit napagalamang hindi pa nagpapasok ang Egypt sa kanilang border.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Saad ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na bukod sa mga Pilipino, umaaasa rin ang iba pang international communities ng mga diplomatikong pagsisikap na magkasundo ang dalawan bansa.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ayon sa ahensya, walang mga Pilipino sa Gaza City at hilagang Gaza, ngunit humigit-kumulang tatlumpung Pilipino sa ibang bahagi ng Gaza ang hindi pa nagpasya na tumawid sa Egypt.