Philippine Navy, kinukumpirma pa ang ulat ng umano’y pipe installation sa Bajo de Masinloc

Kinukumpirma pa ng Philippine Navy ang ulat ng umano’y pag-install o paglalagay ng tubo sa gitna ng Scarborough shoal o Bajo de Masinloc.

Kasunod ito ng iniulat ng team leader ng isang non-government organization na kabilang sa mga nagsagawa ng civilian mission sa Bajo de Masinloc hinggil sa umano’y nakita ng mga mangingisda na paglalagay ng tubo sa loob ng low-tide elevation ng naturang lugar.

Read More:  Padilla pushes law to hold minors liable for heinous crimes

Ayon kay Navy spokesperon for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, maraming paraan para gawin ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng barko at eroplano o kaya’y sa pamamagitan ng satellite tracking.

Read More:  US Navy to build boat maintenance facility in Palawan

Bukod dito, bukas din ang Navy na makipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa para kumpirmahin ang ulat.