Albay, nangunguna sa may pinakamaraming turista sa Bicol sa unang quarter ng taon

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) Bicol na nangunguna pa rin ang Albay sa may pinakamaraming turista sa anim na lalawigan sa Bicol sa unang quarter sa taong 2024.

Ayon kay Ma. Salee Mora, Assistant Regional Director ng ahensya, sa partial collection data, umaabot sa mahigit 200,000 foreign and local tourists ang dumarating sa lalawigan.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Aniya, hindi pa final at approved ang data na nakukuha ng ahensya sa mga probinsya dahil may mga hindi pa nagsusumite ng datos.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Naniniwala ang ahensya, ang pagtaas ng turismo sa lalawigan ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa dahil makakapagbigay ito ng maraming trabaho.