Philippine College of Criminology, makikiisa sa pag-iimbestiga sa namatay nilang estudyante dahil sa hazing

Gagawin umano ng Philippine College of Criminology ang lahat ng kanilang makakaya para maimbestigahan ang pagkamatay ng isa nilang estudyante.

Si Ahldryn Leary Bravante, na graduating student na sana sa kursong B.S. Criminology ay  binawian ng buhay dahil umano sa hazing.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa pahayag na inilabas ng PCCR, kinokondena nila ang nangyaring ito at binigyan-diin na hindi nila kailanman kinikilala ang anumang organisasyon na nagtataguyod ng karahasan sa paaralan.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Nagpaabot na rin sila ng pakikiramay sa pamilya at nakahandang magpaabot ng tulong  habang nakikipagtulungan sa mga awtoridad upang mahuli ang mga suspek sa insidente.