Election-related incidents, sumipa na sa 15 -PNP

Ibinunyag ni Philippine National Police Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. na umakyat na sa 15 ang kumpirmadong insidente na may kaugnayan sa darating na Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Batay sa ulat ng PNP, mula sa nasabing bilang 11 rito ang pamamaril; habang 2 naman ay kidnapping; 1 grave threat at 1 indiscriminate firing.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Bukod dito, nakapagtala ang kapulisan ng kabuuang  85 election-related incidents at kasalukuyan pa nilang kinukumpirma ang 70 rito.

Sa huli, tiniyak naman ng PNP ang pagiging maayos at mapayapang BSKE sa October 30.