Lalaki, tiklo sa drug buy-bust ops sa Libon, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang lalaki sa drug buy-bust operation sa Zone 3, Brgy. Marayag, bayan ng Libon, Albay.

Nagsagawa ang mga otoridad ng anti-iIlegal drugs operation sa nabanggit na barangay laban kay alyas “Pido”.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Kumagat sa pain ang suspek matapos itong pagbentahan ng poseur buyer ng isang pakete ng pinaghihinalaang “shabu” na may timbang na humigit-kumulang sa 2.5g na may halagang PHP17,000.

Nang magkaabutan na ng item, dito na siya inaresto ng mga pulis at kinumpiska sa kanya ang perang ginamit bilang buy-bust money.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Agad itong dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang kasong isasampa laban sakanya.