Philippine Army trainee arestado dahil sa tangkang pagpatay sa sariling ina

CAMARINES NORTE – Inaresto ng mga tauhan ng Basud Municipal Police Station ang isang Philippine Army Trainee na kasalukuyang nagsasanay sa Camp Elias Angeles, San Jose Pili, Camarines Sur, Lunes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Meriel Timbal  27 anyos, binata at residente ng Purok 5, Barangay San Felipe, Basud, Camarines Norte.

Ginawa ang pag aresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Winston Racoma ng Regional Trial Court Branch 39 na may petsang October 25 2021 dahil sa kasong Attempted Parricide.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sa hepe ng Basud MPS na si PMajor Melvin Atacador inihayag nito na nag ugat ang kaso dahil  umano sa pambubugbog ng suspek sa sariling ina na nangyari Agosto ng nakaraang taon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Lasing umanong umuwi ng bahay ang suspek at nagkaraoon ng pagtatalo sa pagitan nito at ng ina na nauwi sa pambubugbog ng una sa huli.

Ayon kay Atacador dating miyembro ng CAFGU ang suspek na nabigyan ng pagkakataong mag training para maging ganap na sundalo.

“Ang nangyari po kasi ay nalasing siya nung sometime August at pagkatapos po niyang malasing ay umuwi at nagkatalo yata sila nung kaniyang ina ay nabugbog niya, so nung nag hearing eh hindi po naman siya umaatend kaya po lumabas yung warrant niya yung attempted parricide,” ani Atacador.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nagpasalamat din si Atacador sa Philippine Army dahil sa kooperasyon nito.

Pasalamat din po kami sa pamunuan ng Philipiine Army natin, sila po ay nakipag cooperate talaga, cooperative sila kasi sabi nga po nila pwede niyo na pong kunin dito kaya lang po kasi may symptoms yan ng Covid kaya hindi  agad nakuha.”

Maayos namang na itinurn- over ni Captain Jonald Bahian Ramos ng Military Police ang suspek kay Atacador.

Nasa kustodiya ngayon ng Basud MPS ang suspek na nakahiwalay sa ibang inmates dahil nagpapakita ito ng sintomas ng COVID- 19.

Nagrekomenda ng P120, 000 na  piyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.