Bill para sa dagdag benepisyo sa mga solo parents, niratipikahan na ng kongreso

Niratipikahan na ng House of Representatives ang bicameral conference committee report kaugnay sa panukalang batas na nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga solo parents.

Ayon kay Agusan Representative Lawrence Fortun, chairman ng technical panel, ang consolidated House Bill 8097 ay mag-aamyenda sa ilang probisyon ng Solo Parents Welfare Act of 2000.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Naniniwala ang mambabatas na malaking tulong ang panukala para sa 15 million solo parents sa Pilipinas.

Nakasaad sa panukalang batas ang 10% discount at VAT exemption kapag bibili ng gatas, pagkain, supplements, sanitary diaper, at duly prescribed medicines, vaccines,at iba pang medical supplements para sa mga batang anim na taong gulang pababa, ang mga single parents na kumikita ng hindi lalagpas ng P250,000 kada taon.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Nabatid na niratipikahan na rin ng Senado ang bicameral conference committee report at lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang kulang para maging ganap na batas.