‘Sobrang COVID-19 vaccines, ibigay sa NPA’ – PRRD

Papayagan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisama sa vaccination program ng pamahalaan ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ito ay kung magkakaroon ng labis sa suplay ng bakuna kontra covid-19 ang bansa.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Ayon sa Pangulo, hindi magiging prayoridad sa inoculation efforts ng gobyerno ang mga NPA dahil sila ay itinuturing na kaaway ng pamahalaan.

Aniya, sa oras na may sobra sa suplay ng bakuna, tawagan lamang siya ng mga NPA upang mabakunahan at nang hindi na aniya mahawa ng virus.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Kaugnay nito, nanawagan naman punong ehekutibo sa mga NPA na hayaan na bumaba ang mga tao mula sa mga bundok upang makapagpabakuna kontra COVID-19.