PhilHealth, hinimok ang mga college students na kumuha ng insurance para sa face-to-face classes

Hinimok ng PhilHealth ang mga college students na kumuha ng insurance bilang paghahanda sa face-to-face classes.

Ayon kay PhilHealth Spokeperson Dr. Shirley Domingo, inire-register ang mga naturang estudyante upang makapag-avail ng benipisyo sakaling ma-expose sila sa Covid-19.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sinabi ni Domingo na ang mga estudyanteng edad 21 pababa naman ay considered na dependent ng kanilang mga magulang na naka-rehistro na sa kanilang tanggapan.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Samantala, iginiit ng National Union of Students of the Philippines na hindi lahat ng estudyante ay may kakayahang magkaroon ng health insurance at kinakailangan umano itong pondohan ng gobyerno.

|| ARGIE ERGINA