Halos 30 mga buntis tumanggap ng kagamitan para sa kanilang magiging anak

Nakiisa ang halos tatlumpung mga buntis sa isinagawang End Stunting Symposium ng BNFM Olongapo City katuwang ang Brgy. Mabayuan Health Center at City Health Office.

Ito ay bahagi ng isinagawang symposium ng Brigadahan 1Tahanan sa iba’t ibang baranggay.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Layon nitong maipaunawa sa mga ina ang kahalagahan ng malusog na pagbubuntis para maiwasan ang stunting.

Ang Health Center at CHO ay nag-lecture rin sa mga benipisyaryo at nagbigay ng iba pang mahahalagang kaalaman para mapanatiling ligtas ang pagbubuntis hanggang sa pangangalaga ng anak.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Bawat isa naman sa mga ito ay nag-uwi ng mom’s kit at baby kits na kanilang magagamit pagpanganak.

Maliban dito ay mayroon ring mga nag-uwi ng iba pang papremyo lalo na ang mga aktibong sumagot sa ilan naming katanungan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO