Unanimous ang kinalabasan ng boto ng mga miyembro ng board ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para palitan ang mga opisyal ng ahensya.
Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa, ang desisyon na pagpalit sa Executive Vice President at ang VP for finance ng Philhealth ay nanggaling mismo sa executive committee.
Nilinaw ni Herbosa, na hindi ang DOH ang nagdesisyon kung saan may kaugnayan aniya ito sa nangyaring “Medusa hack” kamakailan.
Nabatid naman na ang hindi na-update na anti-virus ang ilan sa nakikitang dahilan ng data leak na kung maalala ay ilan pang kagawaran ng pamahalaan ang magkakasunod na inataki rin ng mga hackers.