Pulis na nakabaril ng bayaw sa Pasay City, arestado na

Nasa kamay na ng mga otoridad ang pulis na nakapatay sa kapatid ng kaniyang ka-live in partner sa Pasay City.

Ayon sa NCRPO Dir. BGEn. Jose Melencio Nartatez Jr. – na-aresto si PSSgt. Ruel Lacuesta sa Cabuyao, Laguna.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Nakatakda naman itong i-turn-over sa Pasay para kaharapin ang kaniyang kaso.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Kung maaalala, sa inisiyal na imbestigasyon ng Pasay City Police, lumabas na umawat lang ang bayaw ng pulis pero nabaril ito.

Si Lacuesta ay naka-assign sa NCRPO.