Pumalo na sa 1,899,200 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos maitala ang 16,313 bagong infections.
Dahil dito, sinabi ng Department of Health (DOH), na umabot na ang active cases sa 131,921, pinakamataas simula April 19.
Sa bilang na ito, 96.1 percent ang mild, 1.1 percent ang asymptomatic, 1.2 percent ang severe, at 0.6 percent ang kritikal ang kondisyon.

Inanunsyo rin ng DOH na umakyat na ang total recoveries sa 1,734,551 matapos na gumaling ang 9,659 pang pasyente mula sa sakit.
Samantala, umabot na sa 32,728 ang death toll makaraang masawi ang 236 dahil sa virus.