Phil. Army, magdaragdag pa ng mga tauhan sa Masbate kaugnay ng magkaksaunod na atake ng NPA

LEGAZPI CITY – Umabot sa sa tatlo ang naitalang mga engkwentro sa pagitan ng mga militrar at New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Masbate kung saan isang sundalo ang namatay, habang tigdalawang pulis at sundalo ang mga nasugatan sa engkwentro.

Ayon kay Maj. Frank Roldan, Division Public Affairs Office (DPAO) Chief ng Philippine Army 9th Infantry Division, dinagdagan pa ng nila ang kanilang deployment sa naturang lalawigan dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng mga NPA.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Maliban sa dagdag-pwersa ng mga sundalo, magsasagawa rin hot pursuit operation laban sa mga nakatakas na teroristang grupo.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Paliwanag nito kung bakit sunod-sunod ang pag-atake ng NPA ay dahil sa papalapit na ang anibersaryo nito sa darating na Marso 29.

Tiniyak ng opisyal na nakahanda ang Philippine Army katulong ang Philippine National Police upang pangalagaan ang katahimikan sa lugar.