Ikinaalarma ng ilang residente ng Barangay Berong sa Quezon, Palawan ang pag-apoy sa bahagi ng kabundukan nitong gabi ng Biyernes, March 24.
Ayon sa Punong Barangay na si Recedillo Indap Jr., ang bahagi ng nasunog ay tinatawagn nitong Sitio kabagtikan kung saan nasunog ang ilan umanong mga puno.
Pawang mga katutubo umano ang mga nakatira malapit sa pinangyarihan at sila lamang daw ang nakakarating doon para kumuha ng “bagtik”.
Hinala naman ng opisyal, maaaring may nagsunog sa lugar kaya lumawak ang apoy kaya nakuhanan ito ng larawan mula sa ibaba.
Gayunpaman, naapula na ang apoy sa kabundukan ngunit hindi pa matiyak kung gaano kalawak ang pinsala nito.