Phased implementation ng face-to-face classes sa lahat ng kurso, aprub na ng IATF

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang panukala ng Commission on Higher Education (CHED) na magkaroon ng phased implementation ng face-to-face classes sa lahat ng kurso.

Ayon kay acting presidential spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles inatasan ang CHED na ipatupad ang phased implementation program para sa ligtas na pagbubukas ng mga pamantasan.

Nakatakdang simulan ang phase 1 sa susunod na buwan habang ang Phase 2 naman ay ipapatupad sa Enero ng taong 2022.

Sa proposal ng CHED sa Phase 1, lahat ng rehiyon na nasa ilalim ng Alert Level 2 ay maaring mag-aplay para makapagsagawa ng limited face-to-face classes simula December 2021.

Habang sa Phase 2, papayagan na ang mga lugar na nasa Alert Level 3 makapagsagawa ng in-person learning simula January 2022 at susunod pang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *