7am – 4:00pm work schedule sa mga LGUs sa NCR, sisimulan sa May 2, 2024

Sa halip na April 15 ay sa May 2 na magiging epektibo ang 7:00 a.m. to 4:00 p.m. work schedule sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ayon sa Metro Manila Council (MMC).

Binitawan ni MMC President sa San Juan City mayor Francis Zamora ang pahayag sa press briefing kanina.

Read More:  Seven suspected vintage bombs found at QC junk shop

Ayon kay Zamora, magkakaroon ng exponential effect ang bagong working hours sa bilang ng mga tao na hindi na sasabay sa usual rush hour lalong lalo na sa mga pumapasok sa pribadong sektor.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Itinakda ng MMC na ilipat ang oras ng trabaho sa lahat ng lokal na pamahalaan sa NCR para maibsan ang lumalalang trapiko sa rehiyon at para na rin maibsan ang nararanasang kalbaryo ng mga komyuter tuwing rush hour.