‘All-systems-go’ na ang ating Team Pilipinas para sa 2024 Paris Olympics.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, mataas sa ngayon ang morale ng ating mga Filipino Olympians, isang buwan bago ang turneyo.
Inikot din nina Tolentino, at ‘chef-de-mission’ Cavite Gov. Jonvic Remulla ang mga pasilidad kung saan magsasanay ang mga atletang Pilipino.
Napa-‘wow’ naman ang mga atleta sa mga pasilidad nila sa Metz, France at lalo raw silang nagpursiging magsanay.
Maaalalang dumating na sa kanilang camp ang unang batch ng athletes, at may paparating pang mga batch.
Target ng Team Pilipinas na mahigitan pa ang performance sa 2021 Tokyo Olympics kung saan ay maaalalang nasungkit natin ang kauna-unahang mga gitnong medalya para sa Pilipinas. (Jaime Codizal – Brigada News Intern)