Abogado ti mannalon, ilulunsad sa DAR Region 2

𝗔𝗕𝗢𝗚𝗔𝗗𝗢 𝗧𝗜 𝗠𝗔𝗡𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡, 𝗜𝗟𝗨𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮 Nakatakdang ilunsad ngayong taon ang bagong programa ng Department of Agrarian Reform Region 2 na Abogado Ti Mannalon o ATM sa ilalim ng Agrarian Justice Delivery.

Ipinaliwanag ni DAR Regional Director Primo Lara na ang nasabing programa ay bubuuin ng mga pribadong abogado o asosasyon ng mga abogado sa rehiyon, Integrated Bar of the Philippines, Department of Justice at Public Attorney’s Office.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Layunin ng programa na mabigyan ng libreng legal assistance ang mga mahihirap na magsasaka o Agrarian Reform Beneficiaries.

Samantala, nagpapatuloy naman ang implementasyon ngayon ng Agrarian Reform Justice on Wheels o ARJOW kung saan nagtutungo ang kanilang team sa remote areas upang magsagawa ng hearings hinggil sa problema ng mga magsasaka sa kanilang mga lupa.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Enter

You sent

Open photo