Konstruksyon sa building ng Nica Region 2, pinondohan ng P8.4-M

𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗖𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗣𝗜𝗡𝗢𝗡𝗗𝗢𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝟴.𝟰-𝗠 Pinondohan ng P8.4 Million ang konstruksyon ng building ng National Intelligence Coordinating Agency Regional Office 2 o NICA Region 2 sa Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa Department of Public Works and Highways Region 2, nasa 30% nang natapos ang dalawang palapag na building ng NICA na mayroong 351 square meters na floor area.

Nagsimula ang konstruksyon ng nasabing building noong ika-walo ng Abril at inaasahang matatapos sa unang quarter ng 2025 kung saan ang pondo nito ay mula sa General Appropriations Act (GAA) 2024.

Enter

You sent

Open photo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *