Tinatanggap na ng Pilipinas ang COVID-19 national vaccination certificates ng Romania at sa British Virgin Islands.
Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, kung saan ang pagtanggap sa vaccination certificates ay para sa arrival quarantine protocols, maging sa interzonal/intrazonal movement.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, inaatsan ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation – One-Stop-Shop, at ang Bureau of Immigration na kilalanin lang ang proofs ng vaccination na aprubado ng IATF.
Sa ngayon, kinikilala ng bansa ang vaccination certificate ng nasa 60 bansa.