Govt, inihahanda na ang P2.5-B fuel subsidy para sa mga PUV drivers

Inihayag ng mga economic managers ng Duterte administration na handa ang gobyerno na magbigay ng targeted relief assistance, para matugunan ang epekto ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng petroleum products sa mga apektadong sektor.

Sa isang pahayag, sinabi ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binubuo ng secretaries ng Finance, Budget, at Socioeconomic Planning, na mahigpit nilang minomonitor ang mga factors na nakakaapketo sa presyo ng lana sa bansa.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Ayon sa economic managers, handa ang gobyerno na maglabas ng pondo para tulungan ang mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers, magsasaka at mangingisda.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Kaugnay nito, inihahanda na ng gobyerno ang pagpapalabas sa P2.5 billion para sa Fuel Subsidy Program ng Department of Transportation (DOTr), na layuning magbigay ng fuel vouchers sa mahigit 377,000 qualified PUV drivers na nag-ooperate ng jeepneys, UV express, taxis, tricycles, at ibang full-time ride-hailing at delivery services nationwide. //MHEL PACIA-TRINIDAD