Pumalo na sa 13,177 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pangalawa sa pinakamataas na naitalang daily infections.
Ito ang pinakamataas na bilang na naitala simula noong Abril 2 kung saan nagtala ang bansa ng 15,310 na kaso ng COVID-19.
Maliban dito, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nalagpasan na ang daily case tally na 13,000 sa loob ng mahigit apat na buwan.

Ayon sa datos, ang bilang ng mga nagpositibo ay nasa 23.6%. Ito ay base sa resulta ng isinagawang tests sa 57,355 na indibidwal noong Miyerkules.
Umakyat naman sa 29,838 ang bilang ng mga nasawi matapos maitala ang karagdagang 299 na bilang habang ang 1,587,069 indibidwal naman ang gumaling na mula sa virus.