Pansamantalang mananatili ang inflation o pagtaas ngmga bilihin bago bumaba sa target na dalawa hanggang apat na porsyento.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, puwedeng mag average ang inflation sa 4.1 percent mas mataas sa dating forecast na 4 percent.
Dagdag pa ng BSP Governor, nakadagdag sa inflation ang mataas na presyo ng krudo at non-oil commodity at maaari itong patuloy na tumaas sa mga susunod na buwan pero posibleng bumaba sa 2022.
Sa susunod na taon, estima ng BSP na maaaring manatili sa 3.1% average ang inflation.

Gayunman, lumabas sa datos na nakitaan ng pagtaas ng presyo ng mga gulay gaya ng carrots at Baguio pechay ang mga palengke sa Metro Manila ay.
Tiniyak naman ni Diokno na handa namang umaksyon ang BSP kung kinakailangan at suportado ang direct-supply side measures para matugunan ang supply bottlenecks.
Matataandaang sinabi ni Diokno na ang non-monetary measures ay nakakatulong upang tugunan ang kakulangan sa supply kagaya ng tariff reduction sa mga karne ng baboy.