Duterte, ipinag-utos na iturok ang Pfizer COVID-19 jab sa indigent

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna ng donated Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa indigent population.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang naturang kautusan ay alinsunod sa mga kondisyon na itinakda ng global aid effort na COVAX facility na nagbigay ng 193,050 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines sa Pilipinas.

Sa ilalim ng panuntunan ng COVAX, ito ay kinabibilangan ng A1, A2, A3 at A5 categories.

Sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno, ang A1 ay binubuo ng mga health workers, A2 ay senior citizens, A3 ay mga taong may comorbidities, habang ang A5 ay mahihirap at indigents, habang ang A4 ay mga essential workers o mga manggagawa na kailangangang physically na magreport sa trabaho, sa kabila ng umiiral na quarantine restrictions.

Batay sa evaluation ng Philippine Food and Drug Administration (FDA), ang Pfizer-BioNTech ay may efficacy rate na 95% sa study population at 92% sa lahat ng races. // MHEL PACIA