PH, nagtala ng pinakamababang COVID daily count ngayong 2022 sa 158 cases

Nagtala ang Pilipinas ng 158 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pinakamababang tally ngayong taon.

Dahil dito, nasa 3,683,367 na ang caseload ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health, bumaba naman ang active infections sa 18,815.

Matatandaan na huling napaulat ang pinakamababang active tally ay noong January 1, 2022 sa 17,374.

Sa gitna nito, tumaas ang bilang ng mga gumaling mula sa naturang sakit sa 3,604,570, habang ang death toll ay nasa 59,982 na. //MHEL PACIA-TRINIDAD