Target ng gobyerno na simulan ang rollout para sa second COVID-19 booster shot sa ilang mga sektor sa susunod na dalawang linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinihintay nalang nila ang pinal na rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC), upang magawa na nila ang mga panuntunan para sa vaccine administration.
Matatandaan na noong nakaraang linggo nang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng DOH para makapagbigay ng karagdagan pang doses sa mga senior citizens, immunocompromised individuals, at frontline healthcare workers.

Maliban sa naturang mga sektor, una na ring hiniling ng ahensya ang approval ng FDA para sa booster shots ng mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Pero sa ngayon, wala pang update ang regulatory body hinggil dito.