PH, nagtala ng 8,900 bagong COVID-19 cases; active tally, umakyat na sa 78K

Nakapagtala ng panibagong 8,900 COVID-19 cases ang bansa dahilan para umabot na sa 78,480 ang total COVID-19 cases.

Ang nasabing bilang ng active cases ay pinakamataas simula August 8 kung kailangan nakapagtala ng 77,516,

Sa pinakahuling COVID-19 data, ipinakita rin ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 1,667,714 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sa active cases, 94 percent ang mild, 2.1 percent ay asymptomatic, 1.7 percent ang severe, at 1 percent ay nasa kritikal na kondisyon.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Umabot naman na sa 29,128 ang kabuuang bilang ng mga nasawi na dahil sa virus matapos makapagtala ng anim na bagong fatalities.

Ibinunyag din ng DOH na 7,937 pang pasyente ang naka-rekober na mula sa sakit, dahilan para pumalo na ang total number of recoveries sa 1,560,106.