‘Kongreso, di mapipigilan kung nais imbestigahan ang OCTA Research’

Inihayag ng Malacañang na di umano mapipigilan ang Kongreso kung magdedesisyon itong imbestigahan ang OCTA Research Group in aid of legislation.

Ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos matanong kung kakailanganin man ang congressional probe sa OCTA Research na syang nag-uulat ng COVID-19 situation ng bansa batay sa mga datos mula sa Department of Health (DOH).

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Una nang sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na welcome sa kanya ang probe dahil magbibigay umano ito ng oportunidad para malaman ng publiko ang kanilang methodology.

Sa isang panayam kahapon, sinabi ni Marikina Representative Stella Quimbo na magiging bahagi ng congressional inquiry sa OCTA research group ang paggamit ng kanilang budget na kanilang natanggap mula sa Bayanihan 2 law.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Mababatid na sinabi ng infectious disease expert at DOH advisor Edsel Salvana na ang pangunahing problema sa case projection model ng OCTA ay nagbabatay ang grupo sa mga kasong naitala sa nakalipas na dalawang buwan.