Nagtala ang Pilipinas ng 407 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para maiulat ang 44,597 na mga active cases.
Sa ngayon, pumapalo na ang nationwide COVID-19 tally sa 3,675,384.
Ayon sa DOH, may kabuoang 3,572,224 na mga pasyente nang nakarekober mula sa viral disease, habang ang bilang ng mga fatalities ay umakyat pa sa 58,563.

Sinabi naman ng ahensya na ang mga nangungunang rehiyon na may mataas na infections sa nakalipas na dalawang linggo ay naitala sa National Capital Region (NCR) sa 1,962, sinundan ng Region 4-A sa 879 at Region 6 sa 675.