Nakatakdang maging pang 12 team ng Philippine Basketball Association ang Converge ICT Solutions Inc., matapos ang matagumpay na pagbenta at paglipat ng prangkisa ng Alaska Milk Corp.
Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, naaprubahan ito ng Board of Governors sa 11-0, at nagkasundo na ang dalawang kumpanya, kung saan nalagdaan narin ang kanilang terms and condition.
Dahil dito, kasama na ang Converge sa Season 47 sa Hunyo.

Ang Converge ay itinayo at pinapangunahan ni CEO Dennis Anthony Uy.
Samantala, natutuwa naman ang dating team owner na si Wilfred Uytengsu na maipagpapatuloy ng Alaska Aces team ang kanilang bagong direksyon sa ilalim ni Uy. //MHEL PACIA-TRINIDAD