PH, nagtala ng 4,043 new COVID-19 cases; Active tally, nasa 50K pa

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 4,043 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang nationwide tally sa 2,779,943.

Ayon sa DOH, dahil sa mga bagong kaso, nasa 50,630 pa ang bilang ng mga active cases, kung saan 74.1% ang mild, 6.5% ang asymptomatic, 10.71% ang moderate, 6.1% ang severe, at 2.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Nadagdagan naman ang recoveries sa 3,224, dahilan para tumaas ang kabuoang bulang nito sa 2,686,692, habang 44 ang mga bagong fatalities, kaya umakyat rin ang death toll sa 42,621.

Data also showed that 50% of 4,100 intensive care unit (ICU) beds for COVID-19 patients nationwide were in use.

Sinabi ng DOH na operational ang lahat ng laboratories simula noong October 27, at lahat ay nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System.