PH nagtala ng 3,666 new COVID-19 cases, pinakamababa ngayong buwan

Nagtala ang Pilipinas ng 3,666 na mga bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamababa ngayong buwan.

Sa gitna nito, hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa 12 laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time.

Matatandaan na noong May 23 nang magtala ang Department of Health ang 3,083 cases.

Sa ngayon, nasa 1,367,894 na ang kabuoang caseload kung saan 52,696 pa ang active infections.

Samantala, naiulat naman ng DOH ang total recoveries na 1,291,389, matapos madagdagan ng 6,810 pang gumaling mula sa respiratory illness, habang 60 ang bagong naitalang fatalities, dahilan para umakyat ang death toll sa 23,809. // MHEL PACIA-TRINIDAD