Asahang magdadala ang southwest monsoon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat ng pag-ulan at thunderstorms sa Western Visayas, Mindoro provinces, Palawan, Bataan, Zambales, at Pangasinan.
Kaugnay nito, nagbabala ang weather agency ng posibleng flash floods o landslides kapag katamtaman hanggang sa malakas ang ulan.
Maliban dito, asahan rin na magdadala ang habagat at localized thunderstorms ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa.
Sa kabilang dako, ang tropical storm sa labas ng Philippine Area of Responsibility ay huling namataan naman sa 1,965 kilometers east ng Southern Luzon na may maximum sustained winds na 65 kilometers per hour, malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kph.
Kumikilos naman ito pa-northwest sa bilis na 20 kph. // MHEL PACIA-TRINIDAD