15 anyos na binatilyo, arestado sa pagnanakaw ng mga sinampay na damit ng kanyang kapitbahay sa Tanauan City

TANAUAN CITY – Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang isang 15 anyos na binatilyo matapos nitong magnakaw ng mga damit na sinampay ng kanyang kapitbahay sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Billy Joel Lirio y Colegio, 32 anyos, residente ng Barangay Darasa, Tanauan City, Batangas.

Base sa report, mismong ang biktima ang nagdala at nagreport sa Tanauan City Police Station sa naturang suspek.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Base sa inisyal na imbestigasyon, matapos na maglaba ng nasabing biktima ay isinampay nito ang kanyang mga nilabhang damit ngunit makalipas ang ilang oras, noong i-check nito ang kanyang mga sinampay, wala ang lahat ng kanyang damit sa sampayan, kabilang ang 9 na piraso ng T-shirt at 4 na piraso ng shorts.

Habang hinahanap ng biktima ang kanyang mga damit, napansin nito ang nasabing suspek na suot suot ang isa sa kanyang mga damit habang dala-dala naman ang dalawa pa.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Agad naman na dinala ng biktima ang suspek sa mga barangay officials at saka nai-turned over sa Office of the City Social Welfare and Development (CSWD) para n sa evaluation

Sa ngayon ay sinampahan na ng kaso theft ang naturang suspek.