NPA huli; baril, bala at pampasabog nasamsam sa engkwentro sa Masbate

SORSOGON CITY – Nahuli ang isang miyembro ng New People’s Army matapos ang engkwentro sa Brgy Mabini, San Pascual, Masbate.

Sa ulat, nagtungo ang mga tauhan ng 2nd Infantry Battalion at PNP sa lugar base sa mga sumbong ng mga residente ukol sa presensiya ng mga armado.

Nagkaroon ng palitan ng putok na umabot sa 5 minuto bago nagsipulasan ng takbo ang aabot sa 6 na rebelde, samantala nahuli naman ang isang kasapi nito nang makorner ng tropa ng pamahalaan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang kalibre .38 na revolver na kargado ng 6 na bala, dalawang anti-personnel mine, shotgun, mga bala para sa M60 machine gun at M14, handheld radio at dalawang cellphones.

Pansamantalang kinustudiya muna ng Army ang nahuling rebelde bago ito iturn-over sa pulisya.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Pinasalamatan ng commander ng 2IB na si Ltc. Siegfried Felipe Awichen ang komunidad sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad.

“The culture of security in the province is indeed present. With the help of concerned residents, inhumane acts and possible atrocities to be committed by the Communist Terrorist Group against this peaceful community have been prevented,” aniya.