China, dumepensa matapos harangin ang PH vessels sa Ayungin Shoal

Dumepensa ang China na kinatigan lang ng kanilang coast guard ang kanilang soberenya, nang pumasok umano ang barko ng Pilipinas na may dalang supplies para sa Filipino troops sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal sa South China Sea, na iginiit na kanilang teritoryo.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Ang pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian ay matapos kumpirmahin ni Foreign Secretary Teodoro Locsin na hinarang ng Chinese coast guard ships ang dalawang barko ng bansa at gumamit pa ng water cannon, habang papunta ng shoal.

Ayon kay Zhao, pumasok ang Philippine ships sa Chinese waters noong gabi ng Nov. 16 nang walang paalam.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Giit nito, ipinatupad ng ng coast guard vessels ang kanilang obligasyon, alinsunod sa batas, para protektahan ang soberenya ng China.

Sinabi naman ng Chinese official, na pinag-uusapan na ng China at Pilipinas ang naturang isyu. //MHEL PACIA-TRINIDAD