42 anyos na lalaki, tinaga ng sariling kainuman sa Lipa City

LIPA CITY – Kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital ang isang lalaki, matapos itong magtamo ng mga sugat sa kanyang ulo at leeg dahil sa pananaga ng kanyang kainuman sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Rojas y Macawile, 42 anyos, isang driver at residente ng Nuvista Homes, Barangay Antipolo Del Norte, Lipa City.

Kinilala naman ng Lipa City Police Station ang suspek na si Erman Dichosa y Pasrana, 50 anyos, tubong Bacoor, Cavite at kasalukuyang naninirahan ngayon sa Recto’s Compound , Mt Malarayat Country Club, Barangay Dagatan, Lipa City.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Base sa ulat ng Lipa City Police Station, inireport sa kanila ng anak ng biktima ang nangyaring insidente, at base sa inisyal na imbestigasyon, habang nagiinuman sa tinut bahay ng suspek ang dalawa, nagkaroon ito ng hindi magandang usapan na nagresulta sa pagtatalo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kasunod nito ay kumuha ng itak ang nasabing suspek at saka pinagtataga sa ulo at leeg ang biktima.

Kaagad naman na itinakbo sa ospital ang biktima ng kapwa nito driver para sa medical treatment.

Samantala, nakatakas at pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang suspek na kasalukuyang nahaharap sa kasong frustrated murder.