PH, muling nabasag ang record sa 33,169 new COVID cases

Naitala ng Pilipinas ang isa na namang record-high spike sa ikatlong sunod na araw sa 33,169 na mga bagong kaso ng COVID-19.

Ito ang unang pagkakataon simula nang tumama ang pandemya, na pumalo ang mga bagong kaso sa mahigit 30,000.

Dahil dito, lomobo pa ang kabuoang infections sa 2,998,530, kung saan 157,526 o 5.3% ang active cases.

Samantala, ang tumaas naman ang death toll sa 52,293, matapos pumanaw ang 145 pang pasyente mula sa COVID-19, habang isa na namang 3,725 ang bagong recoveries, dahilan para pumalo rin ang kabuoang bilang ng mga gumaling sa 2,788,711. //MHEL PACIA