Post-holiday COVID surge, nagbabanta sa hospital capacities sa NCR

Lalong tumataas ang banta ngayon sa mga ospital sa Metro Manila na makaranas ng overcapacity dahil sa surge ng COVID-19 infections.

Una nang ideneklara ng Deparment of Health ang National Capital Region, na nasa “critical risk” para sa COVID transmission.

Nabatid rin na may anim na mula sa 21 ospital sa Metro Manila na critical status dahil sa tsunami ng COVID-19 cases, ang umabot na sa 100 percent bed occupancy.

Ito ay kinabibilangan ng Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
Recuenco General Hospital, Inc.; Research Institute for Tropical Medicine; San Juan De Dios Educational Foundation Inc.; The Premier Medical Center at VRP Medical Center

Samantala, 26 naman na mga ospital ang nasa nasa high-risk, 17 ospital ang tinukoy bilang nasa moderate risk, at 93 hospitals ang may safe occupancy rates. //MHEL PACIA