Health workers, umalma sa planong shortened COVID quarantine para sa kanila

Dismayado ang Alliance of Health Workers (AHW) at ng Filipino Nurses United (FNU) kaugnay sa desisyon ng gobyerno na payagan ang mga ospital na iksian lang ang isolation at quarantine period para sa mga health workers na nagpositibo sa COVID-19 o naging close contact.

Sa desisyon ng Inter-Agency Task Force, pinapayagan ang mga health workers na nahawa sa COVID-19 na sumailalim sa isolation ng limang araw lang, sa halip na 10 araw.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ayon kay FNU Vice President Eleonor Nolasco, marami sa mga health workers ang hindi natutuwa sa bagong direktiba na naglalayung matiyak na may sapat na mga health workers sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas sa mga kaso ng coronavirus.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ibinahagi naman ni Nolasco na halos 500 na mga nurses ang nahawa sa COVID-19 sa gitna ng surge.

Kaugnay nito, binatikos rin ni Alliance of Health Workers leader Robert Mendoza ang shortened protocols, at iginiit na dapat bigyan ang mga health workers ng kaparehong treatment pagdating sa isolation at quarantine. //MHEL PACIA